Mga Palalabs, sali na sa “Milyon Panalo mula sa Uniliver” Promo at maging susunod na milyonaryo.
Manalo ng tig- P1500 bawat linggo at 1 Milyong Piso sa Grand Draw!
Ipunin lamang ang mga sumusunod na Proof-of-Purchases (POPs) para makasali:
UP - dapat matalino ka..
Ateneo - dapat matalino at mayaman ka..
De La Salle - dapat mayaman ka..
UST - hindi namin kailangan ng matalino at mayaman.. kasi kami ang nagpproduce niyan eh..
PMA - Hindi ko hinahangad ang yaman sa mundo.. pagmamahal niyo lang ang tanging hinahanap ko.. maaari bang sana’y patawarin mo ako.. Pagkat tayong dalawa ay para sa isa’t isa
O, Saan ka na mag-aaral ngayon? :D
Davao City is almost synonymous with the the durian —- the fruit that “smells like hell but tastes like heaven”.
Submitted by: iampaulaine
May talento ka ba palalabs?
Talentong kakaiba. Talentong kahanga-hanga.
Sali na sa “TALENTADONG DABAWENYO!”
Kung kayo ay 15 taong gulang pataas at may talentong nais ibahagi sa lahat, magpa-audition na sa amin hanggang March 6.
For more information call us: 305-3971
Amazing (get this on a tee | get this on a tee in European store | make your own tee using this wordboner |
get this on a postcard)
MAO MAN! nayhahaa
Kemer! Iboto-lugaw-mami natin ang chorva ni Jack para sa AdSpeak. Vote-lalu na for GAYSPEAK.
by Jammid Dawal
HCDC - Intern
“Ang pinakamahirap na bagay na gawin ay ang pagmasdan ang taong pinakaasam-asam na may ibang minamahal.”
Ang pag-ibig ay walang kinikilala, babae, lalake, bata, matanda, maging sino ka man. Kung anong kaligayahan ang naidudulot nito’y ganun din ang sakit at pighating kayang ibigay kanino man.
Naranasan mo na bang umibig ng patago? Paano kung ikaw ay umibig sa taong hindi ka naman kanyang mahal? Nawalan ka na ba ng pag-asa na may magmamahal pa sa’yo? Ang siyang mga katanungan na bumabagabag sa iyong kaisipan ay maaring masagot sa pamamagitan ng love potion o mas kilala sa pangalang gayuma.
Ayon sa dictionary.com, ang love potion o gayuma ay isang magical potion na pinaniniwalaang nagpapasigla at nagpapabagsik ng buhay pag-ibig. Ito ay isa ring uri ng black magic na ginagamit upang makaakit at mapaibig ang isang taong iyong ninanais. Noon pa ma’y popular na ang tinatawag na gayuma sa mga taong nagmamahal o sawi sa pag-ibig. Hindi pa man dumarating ang mga Kastila sa ating bansa, ay mayroon ng mga paniniwala’t ritwal na isinasagawa ang ating mga ninuno. Sa mga bansang China at India, ang pag gamit nito ay parte na ng kanilang kultura. Malawak ang kaalaman nila ukol sa pag gamit at mga benepisyo nito.
May iba’t ibang klase ng gayuma, at kadalasan ang mga sangkap nito ay mula sa iba’t ibang organikong materyales at produkto gaya ng mga halamang gamot, mga bahagi ng hayop o insekto, mga mamahalin at pambihirang mga bato, korales at mga sanga ng kahoy.
Klase-klase ang paraan na maaring gawin para mang-gayuma. Ito ay kadalasang hinahalo sa mga inumin. Kasabay nito ang pag sabi ng isang Latin na orasyon kung saan ang madalas na pagsambit nito ay nakaka-apekto sa pagtupad ng gayuma.
Maliban ditto, ang ibang gayuma ay sinusuot tulad ng pulang supot na may mga buto, buhok, o mga batong maliliit. Sinasabing ang taong magsusuot nito ay mas magiging kaakit-akit at kahali-halina.
Hindi madali ang pag gawa ng gayuma. Ayon sa mga hakahaka, may mga eksperto na kailangang lapitan dahil sila ang higit na nakaka-alam sa tamang dami at sukat ng mga sangkap ng gayuma. Ang mga naglalako naman ng gayuma ay nagbibigay ng alternatibong preskripsyon kung saan may sinusulat na simbolo sa isang papel. Isa din itong epektibong paraan upang gumana ang gayuma.
Sinasabing, ang pag gamit ng gayuma ay may katumbas na kapalit. Hindi panghabang-buhay ang epekto ng gayuma sa isang tao, kalimitan ay ang taong nanggayuma ay nagsasawa sa taong ginayuma nito. Ang iba naman ay nagkakaroon ng sakit or di kaya’y namamatay.
Hindi minamadali ang pag-ibig. Ito’y kusang loob na dadating at kakatok sa ating pintuan. Kung hindi man masaya ang “lovelife” mo ngayon, marahil sa sunod na panaho’y makakamtan mo rin ang pag-ibig na tunay na nakalaan sayo.
Mananatili ka nalang bang magmamahal sa malayo, o susubukan mo nang gumamit ng gayuma?